7- THE ENCOUNTER

2544 Words
Third POV Nagising si Harper sa nakakasilaw na liwanag na tumama sa kaniyang mukha. Bahagya siyang napapikit-pikit, pilit iniiwas ang paningin sa nakakasilaw na ilaw na sumalubong sa paggising niya. Mabigat pa ang kaniyang pakiramdam, ngunit unti-unting bumalik ang kaniyang ulirat. Kaagad niyang binalingan ang kabilang bahagi ng kama. Wala na si Christina. Napakunot ang noo niya. “Christina…” tawag niya, paos pa ang boses ngunit walang sumagot. Bahagya siyang napailing at umupo tsaka muling tinawag ang pangalan nito. Ngunit tanging katahimikan lang ang sumagot sa kaniya. Hubo’t hubad siyang tumayo mula sa kama. Wala siyang pakialam kahit nakalantad ang hubad niyang katawan. Paglingon niya sa kama, napahinto siya ng makita ang pulang mantsa sa puting bedsheet. Napamura siya nang malutong. "s**t… She’s a virgin.” Nasapo niya ang noo, mariing ipinikit ang mga mata. Muli niyang tinawag ang pangalan ni Christina ngunit hindi pa rin ito sumasagot. “Christina!” Humakbang siya palapit sa banyo. Tinawag niya ulit ang asawa ngunit wala pa rin sumasagot. Pumasok siya sa loob ng banyo. “Christina, are you there?” Pagpasok niya hindi niya nakita si Christina. Binuksan niya ang shower area ngunit wala rin ito. Napabuntong hininga siya. “Where the hell are you?” Tatalikod na sana siya para lumabas nang may mapansin siya sa salamin. Napahinto siya at unti-unting napalingon doon. Kumunot kaagad ang noo niya ng makitang may nakasulat doon gamit ang red lipstick. “Bayad na ang utang namin kaya please huwag mo na akong hanapin. Isa pa, hindi ka naman magaling sa kama kaya dapat sa susunod na magkita man tayo ikaw ang sisingilin ko. Okay bye! Mr. d**k. Sana sa susunod galingan mo na huh?” What the f**k? Bahagya siyang natawa. "You’re the wildest woman I’ve ever met, Christina." umiiling na sabi niya. Ako pa ngayon ang hindi magaling. Sino ba sa atin ang nakatihaya lang habang naghihintay na matapos. Wala man lang thrilled ang nangyari kagabi. At saan ka naman pupunta, huh, Christina? Do you really think you can get away from me? Humakbang siya palapit sa salamin. Kaagad niyang binura ang nakasulat doon. “I’ll search the entire Philippines if I have to,” dagdag pa niya habang binubura ang notes nito. “We’re not done yet,” bulong niya habang nakakuyom ang kamao. “Your debt isn’t paid off in just one night.” ------ Mahihinang katok sa pintuan ang nagpatapos sa flashback na sumagi sa isip ni Harper. Kumakatok ang sekretarya niya sa pinto ng opisina bago ito dahan-dahang bumukas. “Mr. Dickson.” sumilip ito sa nakaawang na pinto. Naka-upo lamang si Harper sa kaniyang swivel chair, abala sa kaniyang laptop. Hindi man lang siya tumingin agad, ngunit bahagya niyang itinango ang ulo bilang senyas na pumasok ito. "Yes, come in.” Tuluyang pumasok ang secretary niya, tumayo ng tuwid sa harapan niya habang hawak ang tablet. “Sir, I’m here to update you regarding the modeling division.” Nag-angat ng tingin si Harper. “Go ahead.” “May message po si Manager Liza,” maingat na saad ng secretary. “She’s asking if you’ll personally handle the selection of the new model for our upcoming soap brand.” Sandaling natahimik si Harper. Umayos siya ng upo at sumandal sa kaniyang upuan, tila pinag-iisipan ang sagot. "If I have time, I’ll drop by,” malamig niyang tugon. “But if my schedule’s tight, tell them to proceed and choose the best candidate themselves.” Tumango ang kaniyang secretary. "Yes, sir. I’ll inform her.” Saglit na napatingin si Harper sa bintana ng kaniyang opisina ngunit agad din bumalik ang atensyon sa kaniyang laptop. “You may go.” “Yes, sir.” Tahimik na lumabas ang kaniyang secretary at dahan-dahang isinara ang pinto, habang si Harper ay muling itinuon ang pansin sa kaniyang laptop. Naantala lamang siya ng biglang tumunog ang kaniyang telepono. Tinitigan muna niya iyon bago sinagot. "Yes?" tipid na sagot niya. Mula sa kaniyang private investigator. “Sir…” bungad ng boses sa kabilang linya. “May update po ako tungkol kay Christina.” Bahagyang tumigas ang ekspresyon ni Harper. Halos tatlong taon na ang lumipas mula nang iwan siya nito matapos ang gabing hindi niya nakalimutan. “Then speak,” malamig niyang utos. “Pasensya na po, sir… pero hanggang ngayon, wala pa rin po kaming malinaw na lead kung nasaan siya. Parang naglaho po talaga siya na parang bula.” Napakuyom ang kamao ni Harper. "Three years,” madiin niyang sambit. “And you’re telling me you still haven’t found her? Kung ganoon anong i-uupdate mo sa akin ngayon?" inis na tanong niya dito. “May nakuha lang po kaming impormasyon… may isang babae na kapareho ng description ni Ma’am Christina.” Bahagyang naningkit ang mga mata ni Harper. “Where?” “Nasa probinsya po siya pero hindi pa kami sigurado kung siya nga iyon,” sagot ng PI niya. “Kailangan pa po namin i-confirm ang identity niya.” Tumayo si Harper mula sa kaniyang upuan, dahan-dahang naglakad papunta sa bintana habang nakatanaw sa ibaba. "Then confirm it,” malamig niyang utos. “I don’t care how long it takes, just make sure it’s her.” “Opo, sir. Inaayos na po namin.” Mahigpit niyang hinawakan ang phone, tila pinipigilan ang galit na matagal na niyang kinikimkim. “If that woman is really Christina…” mababa niyang saad. “Then this time, she won’t be able to run away from me.” Sandaling natahimik ang kabilang linya bago muling nagsalita ang PI. “Sir, bibigyan ko po kayo agad ng update sa oras na makumpirma namin.” “Okay.” Naiinis na ibinaba ni Harper ang telepono. Nanatili siyang nakatayo habang nakatanaw sa malayo. Mukhang malapit na niyang matunton ang asawa. ------ Christina's POV Maaga pa lang nagising na ako para ayusin mga gamit ko. Luluwas kasi ako ngayon ng Manila. Maiiwan ko si baby Charles. Si Cedric naman ay wala dito. Kagabi pa 'yon umalis. Busy na rin ang baklang 'yon. Nagluto na muna ako para hindi na magluto si Chai. Mukhang mahihirapan siya dahil wala siyang kasama dito. Pagkatapos ko ngang kumain ay pinuntahan ko muna si Chai sa labas. Pinapaarawan niya kasi si baby sa labas. Nadatnan ko siyang nakaupo sa veranda. Hawak-hawak ang anak ko. Ang kulit ni baby Charles. Kahit ilang oras lang mamimiss ko ang baby ko. "Ma'am kayo ho pala." "Huwag ka ng tumayo. Gusto ko lang makita si baby bago ako umalis." "Hindi naman po umiiyak si baby Charles ma'am. Hindi siya mahirap alagaan." "Mabuti naman. Akin na muna. Ilang minuto lang." Kinuha ko muna mula sa kaniya ang anak ko at binuhat ng ilang minuto. Nakikipaglaro pa nga ito sa akin. Ngiti ng ngiti sa akin. "Iwan ka muna ni Mommy. Kailangan kasi mag-work ni Mommy para sa 'yo." kausap ko na akala mo naiintindihan niya. Ngumiti lang ito. Tapos na ang minuto na pinalipas ko. Ibinalik ko na rin kay Chai si baby Charles. "Chai, yung breastmilk niya nasa fridge. Kapag hindi niya naubos huwag mo ng ibigay sa kaniya kumuha ka na lang ulit sa fridge ng bago." "Opo, ma'am." "Sige, aalis na ako. Magsarado ka na lang ng pinto kapag mag-gagabi na. Baka gabi pa kasi 'yon uuwi si Cedric." "Opo, ma'am." "Sige, aalis na ako." hinalikan ko sa pisngi si baby Charles. "Babye, baby. Babalik si Mommy. Bukas or sa susunod na araw." paalam ko. Naiiyak pa nga ako. Habang papalayo ako na-mimiss ko ang anak ko. Ang hirap palang umalis. "Mag-iingat ho kayo, ma'am." "Salamat." ----- Nilakad ko nga lang ang sakayan ng bus. Kung minalas pa, mahaba ang pila. Bakit naman ganito kahaba 'to? Bumaba ang conduktor ng bus. Winagayway ang kaniyang puting towel. "Pasensya na ho kayo. Iilan lang kaming bumiyahe ngayon dahil sa mahal ng gasolina. Yung iba ayaw ng magbyahe." Kaya naman pala. Hays! Ma-le-late pa yata ako. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago ako nakasakay sa sumunod na bus. Pawis na pawis na nga ako doon sa labas kanina. Buti na lang nakapasok na rin. Ilang beses kong sinulyapan ang relo ko dahil nga ang sabi ni Cedric alas dyes daw dapat nandoon na ako. Dalawang oras kaya itong bus bago makarating sa Manila kaya makakarating ako doon mga ten thirty. Sa wakas! Umandar na rin. Ipinikit ko na lang muna ang mga mata ko. Medyo mahaba pa ang byahe mababagot lang ako. Hindi ko nga lang namalayan paggising ko sumisigaw na ang konduktor. Nandito na pala ako sa Manila. Bumaba na ako at naghanap ng masasakyang jeep. Nakasakay din naman kaagad ako. Tiningnan ko na lang ulit yung address na ibinigay ni Cedric sa akin. Tama naman siguro itong sinakyan ko. Napatingala ako sa malaking building na nadadaanan namin. Hindi ko akalaing may billboard pala si Harper dito. Umiwas kaagad ako ng tingin. Ayaw kong tingnan ang pagmumukha ng lalaking 'yon. Naiinis lang ako. Hindi pa rin pala talaga nawala ang inis ko sa kaniya kahit ilang taon na rin nakalipas at nagkaroon pa nga kami ng anak. Ilang minuto lang ay bumaba na rin ako. Ang taas ng building. Parang nalula ako sandali ng tingnan ko ito. Hindi na nga ako nagtagal pa at pumasok na ako sa loob. Tinanong ko muna sa front desk kung saan ako puwedeng pumunta ngayong mag-aaply ako bilang model. Itinuro niya ako sa floor na ito. Huminga akong malalim bago tuluyang pumasok sa loob. Napatingin na lang ako sa mga babaeng nandoon sa harapan. Lumapit ako sa isang babae upang magtanong. "Miss..." "Yes po?" "Itatanong ko lang sana kung saan ako puwedeng mag-apply bilang modelo." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Sayang ka. Maganda, matangkad, maputi at sexy rin naman pero wala ng slot eh! Nakakuha na ho kami, Miss." sabi niya sa akin. Biglang bumagsak ang mga balikat ko. Bakit ba palagi na lang akong nahuhuli. "G-ganoon ba?" "Kung gusto mo, maging janitress ka na lang muna. Kapag may umalis doon ka namin ipapasok." "Anong akala mo sa 'kin option? Sa lovelife nga hindi ako pumapayag na option lang." nailabas ko tuloy ang kamalditahan ko. Nabigla ang babae dahil sa sinabi ko. "S-sorry, hindi naman ako nag-iinarte pero kung ganoon nga...puwede akong maging janitress." nakangiti ko ng sabi sa kaniya. Binawi ko rin naman kaagad kamalditahan ko. Hindi na ako mag-iinarte pa. Malay mo naman may biglang umalis at ako nga ang ipapalit. Mag-iinarte pa ba ako? "P-puwede bang malaman kung magkano ang sahod ng janitress?" pabulong na tanong ko sa kaniya. Halos hindi siya makapaniwala. Walang masama sa tanong ko. Gusto ko lang malaman. Malay ko bang kasinglaki lang pala ang sasahurin ko sa ipapasahod ko kay Chai. E 'di sana nag-stay na lang ako sa bahay at ako na lang nagbantay sa anak ko. "900 a day." pabulong rin nitong sagot sa akin. Natigilan ako at napakwenta ng wala sa oras. Kung tutuusin ayos na sana 'yon pero hindi kakasya 'yon. Mag-re-rent ako ng apartment tapos araw-araw ko pang gastusin at yung iba ipapadala ko pa kay Chai. Ano na lang matitira sa akin? Maghahanap na lang siguro ako ng iba. "Ano? Payag ka ba? Puwede ka ng mag-start bukas." sabi niya. "Hindi ho. Maghahanap na lang ho siguro ako ng iba." tinanggihan ko na. Meron pa naman siguro akong mahahanap na iba. "Okay, ikaw ang bahala." aniya. Bagsak ang mga balikat kong umalis sa studio na 'yon. Ang bigat tuloy ng mga hakbang ko. Huminto na muna ako upang tawagan si Cedric. Kailangan kong mag-stay dito ng ilang araw dahil nga kapag uuwi ako double gastos pa mangyayari. Kailangan sa dalawang araw na 'yon makakahanap na kaagad ako ng trabaho. Cedric, sagutin mo naman. Kailangan kitang makausap. Ilang ring na ang narinig ko ngunit hindi man lang sinasagot ni Cedric ang tawag ko. Ibinaba ko na lang ang cellphone ko at muling humakbang upang pumasok na sa elevator. Pagbukas nga ng elevator ay kaagad kong inihakbang ang mga paa ko. Ngunit pagpasok ko doon ko lang napansin na ang lalaking nasa harapan ko ay ang lalaking matagal kong pinagtaguan. Nanlaki ang mga mata ko ng magtama ang aming paningin. Oh my God! Harper...sambit ng isip ko. Hindi ako nakapagsalita. Nanatili lang akong nakatitig sa gwapo niyang mukha. Ganoon din naman siya sa akin. Nakatitig lang siya na tila ba hindi makapaniwala. Oh, God! Mas lalo pa yatang gumwapo ang lalaking 'to. Ang mga titig niya na para bang hinuhubaran na ako ng panty. Ang labi niya ngayon ay nakaawang habang nakatingin sa akin. Ang mga makakapal niyang kilay na magkasalubong na rin at ang mga mata niyang diretso kung tumingin. Ang lakas ng t***k ng puso ko ngayon. Kaming dalawa lamang dito sa loob ng elevator at ito nga nagkatitigan pa. Hindi ko alam ang gagawin. Tatakbo ba ako o magkukunwari na lang na nahimatay. Pagkatapos ng tatlong taong tinaguan ko siya nandito siya sa ngayon sa harapan ko. Hindi ko naman magagawang tumakbo dahil sarado pa ang elevator at kung magpapakahimatay naman ako baka sabihin niyang ang OA ko. Mas pinili ko na lang na talikuran siya. Dahan-dahan akong umikot para talikuran siya. Nakiramdam ako sa likod ko. Akala ko hindi na siya magsasalita ngunit mali ako. Dahil tumabi siya sa akin at tumikhim. "Three years…” sambit niya. Napapikit ako sandali nang marinig ang malamig niyang boses mula sa tabi ko. Magkadikit na ang aming mga braso. "You really thought you could disappear just like that?” dagdag pa niya. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya. Sumalubong sa akin ang matalim niyang mga tingin. Hindi ka dapat natatakot sa kaniya, Christina. “I didn’t disappear. I just chose to leave!” Hindi ako nagpatalo sa mga tingin niya. Kung matalim ang mga tingin niya, ganoon din naman sa akin. He chuckle. "Pagkatapos mo laiitin ang performance ko sa kama. Sinabi mong hindi ako magaling. After everything I did to you that night? I heard you scream my name, and I clearly saw how much you enjoyed that night, Christina. Don’t deny it.” "Ang totoo, drama ko lang 'yon. Nagkunwari akong nasarapan pero ang totoo hindi naman." Kumunot kaagad ang noo niya dahil sa sinabi ko. "Ngayon, kung naka-move on ka na sa akin puwede bang tigilan na natin 'to. Baka naman hindi ka pa naka-move on sa sobrang sarap ko?" Kaagad ko ng iniwas ang paningin ko. Nang bumukas ang elevator ay sinubukan kong ihakbang ang mga paa ngunit nagulat ako ng hawakan niya ang braso ko. "You are my wife! Do you really think I'd let you leave!?" Sinamaan ko siya ng tingin. Winakli ko ang braso ko. "I was never yours.” mabilis kong sagot. Tumigil ang oras sa pagitan namin. Ramdam ko ang bigat ng titig niya, ang galit sa kaniyang mga mata. “This isn’t over, Christina!” “It was over the moment I walked away.” Nang balingan ko siya kitang-kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga. “Your debt isn’t paid off in just one night, Christina. And now that you’re here, puwede na natin ituloy ang unfinished business natin!” nanlaki ang mga mata ko ng bigla na lang niya akong buhatin. Akala ko madala sa pagiging sungit-sungitan ko ngunit hindi rin pala ako nakapalag ng buhatin na niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD